My mother is excluding me sa inheritance kahit ako breadwinner sa family.
Problem/Goal: My mother is excluding me sa inheritance. We have two properties. Sinabi nya sa mga relatives namen na yung isang property sa panganay and the other sa 2nd brother ko.
Context: I'm the youngest of 3 brothers. Single and no child (for now). Yung mga kapatid ko may anak na. Wala na father ko. Yung mother ko may serious medical condition. I live with my mother and my middle brother and her daughter. Dahil sa may sakit siya tinatanong siya ng mga kapatid nya paano yung mana ng properties. I'm shocked na sinasabi nya sa harap ko na wala akong mana since nakabili ako ng sariling property ko. I'm just disheartened kasi ako gumagastos sa bahay plus ilan beses ko pa siya nilibre sa travel abroad. Ako din nagaalaga sa kanya. Diba dapat may mana ako especially ako yung walang anak na aasahan.
Ano ba dapat gawin dito sa nanay ko para tumatak sa isip nya na dapat lahat ng anak may mana dapat?
Previous Attempt: I confronted her and explained yung batas na dapat pantay pantay yung inheritance. Nag-agree naman siya. I'm just bothered everytime someone asks her bumabalik sa default answer niya na excluded ako. Anyway, pag nawala naman siya I think magiging fair naman kapatid ko. Nag-agree naman kaming magkapatid na hahatiin namen fairly. I'm really bothered sa mindset ng nanay ko...at time parang iniisip ko baka atm machine tingin nya sa akin.