couples na LDR, how do you manage to last long?

me (24f) and my bf (23m) will soon be in 1yr of our relationship. he will soon work while i will get my masters degree. LDR kami since then

nung nakaraan, we got hold of each other's fb accounts and i saw na someone (from school) was chatting him. my bf's replies were all cold, pero bothered ako doon sa presence nung babae. she's so much prettier than me kaya sobrang na-insecure ako. nag-start yon para maging toxic kami sa isa't isa kaya we both decided na alisin access namin sa accounts.

part ng adulting ang pagiging busy, i understand him for that, dedicated din siya sa lahat ng ginagawa niya. pero medyo nawawala na yung dalas ng pagreply niya or yung pagupdate niya saakin. nakakatampo kasi busy din naman ako pero i can manage na ichat siya lagi. ang iniisip ko nalang is iba-iba kasi ang mga tao kaya siya ganon.

he kept reassuring me naman, pero hindi ko mashake out yung thought na baka naguusap parin sila nung girl lalo na ngayong wala nang boyfriend yung babae, kahit na ako yung sinasabi niyang mahal niya.

isa pa na nagwoworry ako is parehas kaming di legal sa pamilya pero my friends know him. sobrang lowkey lang din namin kaya parang walang ibang nakakaalam na may gf siya. napagusapan namin na once we're both stable, magpapakilala na kami sa pamilya ng isa't -isa.

so, for couples na LDR, how do u manage to make your relationship last long? pasuko na kasi ako.