Binubuksan yung TV pero hindi naman manonood, magpo-phone lang?

Akala ko nung una, meme lang yung nakikita kong ganito. Pero parang adulting pala siya. Ano ba naiisip niyo kapag ginagawa niyo 'to? As in, random lang?

Binuksan lang yung TV tapos kasi tagalog naman sinasabi kaya nagpo-phone na lang at mapapalingon na lang kapag biglang kailangan manood na sa TV? Eksena sa palabas or commercial or balita?

Ako kasi, binubuksan ko yung TV kahit hindi ako nanonood kasi parang ang feeling ko, may kasama ako sa bahay. Gusto ko lang yung ingay ng TV. Parang ginagawa ko lang talaga siyang radyo.