Kelan mo kaya ulit ako kailangan?

Not me on a usual day but it's fun to let out in the most crass way possble. Please bear with me.

Sobrang weird na isang dekada na tayong ganto. College pa lang ako na yung top 1 sa friendzone mo at masaya naman akong maging tanga kasi tanga naman talaga ako sayo.

Ako lang kausap mo araw araw. Ako pinag rrant-an mo, ako hihihingan mo ng opinion, ako din taga sundo sayo pag di ka makauwi. Yung condo ko yung "Hive" mo kasi ikaw yung queen bee diba. Lahat ng kalokohan, tatawag ka lang, naka punta agad ako.

Ako at ako lang naman lagi mo hinahanap pag wala kang mahanap pero bat ako?

BAT AKO PAG WALANG IBA? PERO PAG MERON NA, WALA NA AKO.

2016, 2017, 2020, 2025. 4 na beses mo na akong binlock sa buhay mo kasi may boyfriend ka na at ako tong si gago na aampunin ka ulit tuwing wala na at ako nanaman ang natira.

So anyway, chat ka nalang ulit pag "hindi ko alam san ako nag kulang, akala ko totoo na, pero nag cheat pa din siya". fuck you and good night.