I see you in everyone
It's been more than a month since naghiwalay tayo. We've been together for almost 2 years. At araw-araw, iniisip pa rin kita. Araw-araw, nilalabanan ko sarili kong mag-reach out sa'yo kasi alam kong okay ka na. Sabi mo pa nga sa'kin nung huli tayong nakapag-usap na you're going out na. I'm happy that you're already doing okay.
There's not a day I don't regret losing you and losing us. Everyday has been a struggle for me. Mula sa paggising hanggang sa pagtulog, nag-antay ako na baka sakali, mag-iwan ka ng message o kung ano man. Pero alam kong malabo na kasi okay ka na, hindi mo na ako kailangan pa.
Alam kong I made a mistake. One fight, one mistake, we ended. There's not a day I don't wish na hindi na lang nangyari yun, baka sakaling tayo pa rin hanggang ngayon, baka sakali naririnig ko pa yung boses mo habang binibigkas yung hinahanap-hanap kong "I love you" at "I miss you".
Hanggang ngayon, kumakapit pa rin ako sa maliit na pag-asa na baka sakaling p'wede pa, baka sakaling mahal mo pa rin ako. Pero kung talagang wala na, hayaan mo lang akong mahalin ka hanggang sa dumating na yung panahong mapagod na ako pero I doubt na mangyari yun.
Just know na I will still be here, waiting patiently, improving myself, trying to be better for myself, and possibly, for us. If the time comes na p'wede pa, sana ako pa rin ang uwian mo, ako pa rin ang tahanan na babalikan mo dahil bawat silid at taong nakikita ko, ikaw ang nakikita ko.
Mahal kita nang sobra. Kahit nasasaktan na ako kakaasa.
Hanggang sa muling pagkikita natin, bub.