Paghilom
Mahal, marahil hindi ito ang huling pagkakataon na maiisip kita; hindi rin huling beses na may kirot sa puso ko sa tuwing maalala kita sa malalaki hanggang sa maliliit na bagay sa paligid ko; at lalong walang kasiguraduhan ang kung hanggang kelan ako aasa sa ating pagbabalik- pero magsisimula na ako.
Habang pinaparamdam mo na hindi na ako ang iyong pinili, unti unti ko na sisimulan ang aking paghilom. Kasabay ng kaunting pagsilay sa pag-asa ng dating tayo, isasabay ko ang pagtanggap na magkaiba na tayo.
Sana sa mga susunod na araw at paglalakbay, magkita tayong muli na masaya at bakas ang paghilom sa mga mata.