naiiyak ako sa saya
nagpost ako dati dito na naiiyak ako dahil wala pa akong trabaho. pero ngayon, etong bago kong post ay naiiyak ako sa saya dahil mayroon na akong trabaho. eto ang pinaka-masayang christmas gift na naibigay sa akin! grabe ang pinagdaanan ko bago ko makamit ito. totoo pala na kapag sa iyo, sa iyo talaga
buti na lang naniwala ako sa sarili ko na kaya kong makuha yung trabaho na gusto ko at kung saan ako masaya. buti na lang hindi ako sa ibang comment sa reddit post ko noon na kunin ko na lang ibang trabaho. (andami pa noon nagdownvote sa ibang replies ko lol)
ang saya-saya! sana lahat ng mga fresh graduate ay makuha ang gusto nilang trabaho, sana lahat tayo masaya sa trabaho natin. tiwala lang guys!!! kaya natin ito 🩷