Nagpopost ng picture ng bangkay na kamag anak straight from the kabaong

Di ko alam kung anong trip ng mga to or gusto ba nila ng online lamay? Okay lang naman sakin ipost nila yung kabaong or yung burol ng kamag anak nila pero napakainconsiderate naman na yung mukha nh bangkay straight from kabaong ang pinopost. Ilang beses na ko nagkakaaxnxiety dahil dto. Inaunfollow ko naman lahat ng ganto kaso hndi ko naman alam kung sno ang magpopost next time since basta na lang sya naappear sa feed sa fb. Ano bang makukuha nila sa pagpopost ng picture ng bangkay, okay lang kung yung picture e buhay pa yung patay.