25, at wala pa ring work

I graduated lang ng June this year. And after that, naging tambay na lang ako sa bahay. Nape-pressure at nahihiya na rin ako sa family ko kasi wala akong maibigay na pera. My situation started eating me last month kasi walang nagre-reply sa mga applications ko. Yung iba rejected. I started to binge eat, minsan wala namang gana kumain, nag-kukulong sa kwarto, minsan babad sa online games just to ease my mind.

I applied 500+ jobs now and wala pa rin. Is it because of my degree? my resume? Hindi ko alam.

Every time na nagse-send ako ng application, nakasimangot na lang ako at humihinga nang malalim kasi ina-assume ko na di nila papansin. Hahaha.

I'm so stressed, frustrated, and anxious.

I'm so afraid na wala akong ma-achieve sa buhay or maka-earn. I'm 25 at wala pa rin akong nararating sa buhay.