"Patawarin mo na, tatay mo parin yan"

This is what I have been hearing from my relatives ever since my parents separated.

"Patawarin mo na, tatay mo parin yan. Wala ka dito sa mundo kung wala yung tatay mo"

Alam ko naman yun. Pero bakit ganun? Bakit mahirap magpatawad?

12 years ago, my father committed concubinage and became very abusive. I (F) was a minor back then. I have 4 (F) younger siblings. Lagi nyang binubugbog ang mother ko lasing man sya or hindi. Pagaling palang ang blackeye, susuntukin nanaman. Worst part is lagi nyang tinututukan or hahampasin ng baril ang ulo ng mama ko. Lahat ng hahawakan nya ibabato nya, mapa kutsilyo man yan, bato, bakal, kahoy, name it!

We grew up na laging takot kay papa. Pag nanjan sya tatahimik na kaming lahat. Calculated lahat ng galaw namin kasi ayaw namin na may magawa kaming mali sa mga mata nya na maging reason ng pagbugbog nya kay mama.

Pinapulis namin sya pero hindi sya nagtagal kasi nakapag bail sya.

Now, 12 years have past, nandito parin ang trauma. Nakakausap naman namin ang papa namin pero I always get nervous and afraid whenever he's around. Nanginginig parin ako sa takot.

Naaawa ako minsan kasi mag isa nalang nya sa buhay. Naiiyak ako kapag naiisip kong what if makita ko sya sa kalsada na namamalimos? What if wala syang kinakain? Sa isip ko napatawad ko na sya pero sa puso ko may galit parin akong nararamdaman.

He never asked for forgiveness. But I never missed to greet him a happy birthday, merry christmas and happy new year. Pero never ko syang na greet ng happy fathers day.

My mother and siblings are still healing and so do I. I hope someday we'll find it in our hearts to finally forgive him.

And sa mga relatives na laging nagsasabi na patawarin na. Wag kayong pala desisyon! 😂

Hays. Naiiyak nanaman ako.