No surname in birth certificate
Hello. Pahelp naman. I was born on 1998, then yung magulang ko di sila kasal. Sabi ng mama ko, hinanapan daw sila ng marriage contract ng tatay ko nun para daw magamit ko surname ng tatay ko. E kaso wala. Kaya ayun ngayon, ang gamit ko apelyido ng nanay ko nung dalaga siya. Ang issue, wala akong apelyido sa birth certificate, then yung ginagamit kong apelyido is nakalagay lang sa middle name part ng birth cert ko.
May valid ids naman ako, passport saka prc. Then nakakuha na rin ng visa sa dalawang bansa. Ang pinasa ko pagkuha ng mga yun is itong same birth cert. Ngayon kasi, may inaapplyan akong agency papuntang ibang bansa and maganda yung program nila. Ang kaso, ayaw nila tanggapin birth cert ko kasi may same issue daw sila ng ganon and nagkaroon daw ng problema since sabay sabay daw umaalis yung mga naseselect ng employer sa ibang bansa. So sabi nila ayusin ko raw muna. Wala akong idea kung papaano and gano katagal.
Pahelp naman po. Ano po ba need kong gawin?