Cocolife agents sa mall, scam or not?

Cocolife raffle, scam or not?

Naexperience namin kaninang maharang ng cocolife agent sa mall. Inexplain nya na may raffle kineme daw sila sa mga members ng partner banks nila so tinanong kami kung ano anong bank ang gamit namin. I dont know bat wala kami sa sarili ng kasama ko but when the agent asked us to see our "proof of account", um-oo kami. In other terms, pinabukas nya samin ung online account namin tas tinignan nya kung may laman. Inensure ko naman na di nya nakita input kong pw at di naman nya hinawakan cp ko pero as in sinilip nya magkano ang laman. Di kasi nakahide ung amount sa BDO ko. Andami nya pa inexplain after, daming usap then umabot ulit kami sa hiningan kami ng phone number at id para nga daw sa raffle nila. Naibigay na namin ni friend ung phone number at id when i started to get really paranoid. May gusto pa sana ipafill up ung manager nila and may endorsement pa raw na gagawin sana pero nagkaayan na kami ni friend umuwi. Ni hindi na namin tinuloy ung raffle ticket na ibibigay nila dapat.

May nakaexperience na rin ba sainyo ng ganito? Possible bang mahack nila accts namin just by having a copy of our phone number and id?

Yeah, i know lutang kami sa part na sumunod kami sa demands nya. But please dont be harsh baka bigla pang may mangbash e. We are just getting paranoid sa nangyare. How was your experience?