Kailangan ko ba tlga ipahiram ang anak ko?

I lost my husband 4 years ago. Meron kameng isang anak. After a year nung mamatay Asawa ko umuwi na kme sa bahay ng biological parents ko. Dun na nagsimula magalit saken inlaws ko. Kase gusto nila sa kanila pa rin kme tumira. D kme nagkaintindihan nun. Pero naging okay din eventually. Bumibista pa rin naman kme sa kanila. Pero ngayon normal lang ba na kinakabahan ako kapag gusto nilang Iwan ko anak ko sa kanila tuwing bibisita kme. Gusto nila mag bakasyon siya ng matagal sa kanila. Ewan ko ba pero pag d ko nakakasamang matulog anak ko. Iba yung pagalala ko. Kahit alam kong aalagaan naman nila. Okay lang ba tlga humindi sa gusto nila? Nanay lang ako at ayaw Kong nalalayo tlga anak ko saken.