May nag message request sakin sa reddit na kilala ako pero di ko kilala.
Creepy lang kasi dito ako sa reddit na vovoice out ng mga gusto ko sabihin like post at mga saluobin ko. I have username and wala akong pic ng sarili ko dito or even number pero one day bigla may nag message sakin ng “buong name ko” and nangamusta. EDI NAGULAT AKO!!
Months palang ako sa reddit pero possible ba na connected to sa contacts or hinanap nya talaga ako. Ilang araw na kasi ako nag iisip ehh lahat ng soc med ko naka private kaya ang creepy isipin na may nakakilala sakin dito? I feel free na gawin mga gusto ko kaso natakot ako bigla kasi makikita nya lahat ng ni post ko
Ano kaya mga possible reason para mangyare yun??