Pag may breed, for keeps. Pag aspin, UP!!
Ang kakapal ng mukha ng mga dog lover kuno sa dog lover group sa FB. Dog lover daw, pero sa may breed lang sila nagaagawan.
May nag-post dun about a chihuahua. Daming comments and reacts, lagpas 1k. Daming gustong mag-ampon sa dog. Dami nagaagawan.
Meanwhile, may pinost akong aspin na puppy na may sugat sa ulo, mukhang pinaso, pero kaunti ang pumansin. Puro UP. Less than 50 na reacts.
Pag may breed, for keeps.
Pag aspin, UP!! or di kaya “Bat di ikaw tumulong? Ikaw na nandyan”
EDIT: Itong post na ito ay para lang sa mga hypocrite na “animal lover” kuno pero may breed lang ang gusto.