Gusto ko bumili ng Vios as first car, pero baka sabihin nila mukhang taxi.

Plano sana namin bumili next year ng family car (3 lang kami) na Vios. Baka yung secondhand lang muna. E kaso gusto ko sana yung white, kaso marami ako nakikita nagsasabi mukha daw taxi. Kaya baka mag alumina jade na lang ako, maganda din namang kulay yun.

Ang linis lang kasi tignan kapag white. (Or hindi ba? Ano cons pag white?) Kaso yun nga mukhang taxi kapag stock.

What are your thoughts?

Update: salamat sa insights niyo, marami akong natutunan. Wala pa kasi ako masyado alam sa pagkakaroon ng sasakyan kaya unti-unti kong inaaral lahat. About sa "stereotype" ng white Vios, yun lang kasi yung madalas na nababasa ko but i have nothing against the car kahit taxi man or private. Pero gandang ganda ako sa mga naka white Vios na naayusan nila.

Pero para sakin yung functionality and practicality ang habol ko kaya baka hindi na ako masyado mag ayos ng aesthetics. Point a to b na service lang. Im a simple man, kaya white lang, okay na sakin.

I agree with you all na hindi importante ang sasabihin ng ibang tao kasi ako naman ang kukuha ng sasakyan. Pero pag sinabi ni misis na green, dun tayo sa green, (yun din naman second color choice ko.) Dun tayo sa walang sakit ng ulo. Haha. Cheers! :)