May naaalis ba sa trabaho dahil walang ginagawa?

Gusto ko lang po sana mag tanong about sa bago kong trabaho. Bali tama po talaga yung nabasa niyo, may naaalis po ba talaga sa trabaho dahil walang ginagawa DAHIL natatapos namin kagad yung trabaho?

The longer story:

Kaka hire lang sakin and kakatapos ko lang mag training noong last week Feb. Tapos before that time kasi, 1 lang yung nagwowork on sa role na yon and medjo dumadami ng dumadami yung trabaho niya.

So ngayon, andito na ako at tumutulong sa mga tasks. Ang problema lang, pag natapos namin, hindi na namin alam gagawin.

Tinanong na namin manager namin tapos wala din silang maisip. Ang sinabi lang samin "Ayusin niyo yung folder structure nung mga files". HUUUUUUUUUH nu kaya yun napakadali lang non eh.