Gusto ko lang ishare how grateful I am sa current work ko
I’ve been in this company for almost 8 years na and naka wfh since nung nag pandemic. I am earning 60k as a data analyst. Nabuntis ako year 2020 during pandemic and before my maternity leave my manager looked for someone to fill my post pansamantala para mag takeover ng work ko while I am on maternity leave. When I get back year 2021 naisipan nilang ihire ung nag backfill sakin to lessen my workload since kapapanganak ko pa nga lang daw. Ang swerte ko lang kasi pag sa ibang manager they would tell you to get a helper or ask someone from family to take care or assist with the baby para di ma compromise ung work ko. But with them they are all okay na ako at ang asawa ko ang mag raise sa anak ko (by choice) since we don’t have someone from family talaga na mag assist and I didn’t like hiring a yaya due to horror stories I heard and dahil pandemic din ung time na nag give birth ako.
Sobrang luwag nila sa tasks ko, they make sure na hindi ako loaded para may work life balance pa din daw kahit na most of the time morning lang tapos na ako sa work. They also check on my baby who’s 3 yrs old now and tuwang tuwa sila makita sya. Nung nag resign ung nag backfill sakin last yr kahit alam nila na kaya ko naman na ung trabaho ng dalawa nag hire pa din sila ng isa. Ayaw na talaga nila ako pahirapan. Lol.
Hindi maging madali ung pagbubuntis ko, nagka covid din ako nung manganganak ako. Walang helper or any fam members na nag assist since naka lockdown kame sa bahay after my emergency cs so bawal talaga magka bisita. Naawa siguro sila sa napagdaanan ko since na kwento ko un nung after ng mat leave ko. Hindi man kalaki ung sahod ko pero sobrang thankful pa din ako kasi natutukan ko ung paglaki ng anak ko. Me and my husband work on the same company kaya laking tipid din na di na need mag hire ng yaya basta hati kame sa mga tasks sa bahay.
Minsan lang napapaisip lang ako na napagiiwanan na ako dahil di na ako nag ggrow sa work since paulit ulit lang ung tasks pero parang ang hirap na ilet go ung gantong work na sobrang flexible for me and nag allow sakin na kumita pa din while taking care of my kid. Minsan I tried looking for a higher salary but mostly is hybrid or onsite at hindi pede sakin kasi hindi kakayanin ng asawa ko na sya lang sa bahay. Kaya naisip ko na dito muna, hindi man kalakihan sahod atleast natututukan ko ung anak namen.
I know some people na hindi naging maganda ang karanasan due to covid but this is the reason why we are working from home now. Wag na sana magpabalik sa office lol