Pinipilit akong sumama sa church ng girlfriend ko.
Problem/Goal: Pinipilit ako (23m) ng gf (f22) ko na pumunta sa church nila kasi sabi ng mga kachurchmate niya na di ko raw siya mahal kasi di ako sumasama sa kanya. Kinausap din daw siya ng youth leader nila na isama ako sa church nila. Di ko alam gagawin ko kasi di ko talaga gusto magchurch coz I hate the people there and for me It's a waste of time, and ayaw ko naman na sumama just because she wants it kasi it breaks the purpose of going to church. So what should I do?
Context: Kami na ng gf ko since 2018, katoliko ako in paper pero wala talaga akong pinaniniwalaan tapos siya catholic nung naging kami pero nagpaconvert na siya sa current religion niya which is Baptist during pandemic era.
Simula nung naging active na siya sa church nila tsaka lang siya nagstart din na ayain ako pero I always reject the offer kasi di ko talaga masikmura pumunta sa church. Pero this past few weeks mas nagiging madalas na yung pag-aya niya sa akin siguro napepressure na siya kasi minamanipulate siya ng mga kasama niya sa church na di ko siya mahal ganon kaya di ako sumasama sa kanya, ayan daw sabi sa kanya ng mga kaibigan niya sa church. Kaya ayun nagtalo kami kasi sabi ko di naman porke ayaw kong sumama sa church nila di ko siya mahal.
Dumating na sa point na sinabi ko sa kanya na pag-isipan niyang mabuti yung sinasabi ng mga kachurch niya sa kanya and if tingin niya talaga di ko siya mahal then makipagbreak na siya. Palagi ko naman sa kanya pinapaalam kung gaano ko siya kamahal thru words, actions, gifts pero di ko lang talaga makaya na sumama sa church nila.