Kung ikaw makakakita neto, ano gagawin mo?
Problem/Goal: Di ko alam magiging reaction ko sa nakita ko sa phone ng boyfriend/live in partner.
Context: My (31M) bf and I (25F) are currently in our 5th year sa relationship namin. This story is so recent lang kaya medyo magulo. Pagpasensyahan nyo na.
So umuwi ako sa province namin last December 24 - 30. Edi LDR ang atake namin. Okay naman sya naguusap kami araw araw minsan vidcalls ganyan.
Una kong napansin kasi ay merong nag-pop up na notif from IG (account nya na naka-open sa phone ko) na group chat pero pag-click ko nawala bigla? Kaya di ko alam if glitch ba o ano. So binalewala ko lang ganyan. Akala ko kung ano lang yun kaya di ko na tinanong sa kanya kasi chineck ko naman both IG account namin wala talaga di ko nakita yung nag-pop up na group chat na yun.
Then days go by, ok naman kami normal lang ganyan. Tapos nung January 10, I had the urge lang to check his phone ganyan chineck ko lang yung gallery nya tas pag-open ko nung app nakasakto don sa folders kung nasaan yung hidden at recently deleted. So chineck ko lang din yung recently deleted wala naman akong nakita na suspicious o ano. Bigla ko lang din naisip na icheck yung hidden album since wala naman talaga akong nakikita doon pero nung binuksan ko ayern may nakita akong 2 pictures na screenshot from an ig story. Yung picture? Babaeng naka-bikini. 🫠 Di ko pa sya kinoconfront regarding this kasi di ko alam ano ba mafefeel ko.. like di naman eto yung first time? 🥲 Oo na, tanga na. Di ko talaga ma-let go. 🥲
After that day chinecheck ko na yung hidden album if binura na ba nya or ano. Pero kakacheck ko lang ngayon hindi pa rin burado. Tas ang suspicious pa nung nangyare kahapon, maaga sya nagising since may pasok sya sa work so mga 4am gising na sya ako naman naalimpungatan ako ng mga 4:30 iniisip ko bakit ang tahimik, chineck ko yung cctv namin sa first floor walang tao pero open naman yung ilaw sa banyo so alam ko na nandun sya tapos naisipan kong icheck ano ginagawa nya sa baba nagdahan dahan lang ako ng kilos para di nya maramdaman if pababa na ako kaso siguro dahil sobrang tahimik narinig nya yung pagkilos ko, ang kinagulat ko lang bat sya nataranta lumabas ng banyo at umakyat dito sa second floor to check if gising ba ako at kung bababa ba ako? Sobrang suspicious… pag-akyat nga dito sa kwarto nagtulog-tulugan lang ako tapos nung na-check nya na tulog ako bumaba na ulit sya and pumasok ng banyo i waited for 10 minutes para lang pakiramdaman sya if naliligo na ba sya o ano pero sobrang tahimik pa rin sa baba like wala kang maririnig na agos ng tubig o ano. kaya inattempt ko ulit bumaba ng tahimik di ko alam if ramdam nya o ano kasi pag-open ko ng banyo nakaupo lang sya sa toilet at di nya hawak ang phone nya. Pero super curious lang ako bat sya nagmamadaling lumabas ng banyo nung first time kong inattempt na tignan sya sa baba.
At ngayon habang tinatype ko to.. kakatapos ko lang tignan yung phone nya. Chineck ko lang sa google chrome yung recent searches and boom puro telegram links tapos nagulat din ako kung bakit nya binura yung telegram and threads app nya? Kaya ayun ininstall ko ulit habang chinecheck yung browsing history nya and guess what? During my stay sa province, dec 25-28, puro telegram links ang searches nya.. nanginginig ako na ewan habang nagiisip ano gagawin ko.
Pagka-install ng telegram app, chineck ko lang wala naman akong nakitang kakaiba siguro nadelete na? Pero may isang account dun na may draft message syang “Hi” tapos ang profile nung imemessage nya dapat eh napakalaking pwet.
Nakakapagtaka lang din na everytime nananahimik ako lagi nyang sinasabi na naaning sya kapag di ako nagsasalita na parang nag-ooverthink sya kung galit ako o ano na di nya makuha ano mood ko.
Sobrang dami pa naging problema sa past regarding issues na may sinasave syang pic ng babae or may draft messages sya sa babae na inopen up ko na at puro lang sya sorry at sinasabi nyang di naman daw yun cheating. 🤦🏻♀️
Previous Attempts: Wala pa. Di ko alam gagawin ko.