Unionbank Account to Gcash
Problem/Goal: Unionbank account to gcash transfer failed
hindi ko sure kung ano ang gagawin ko at this point kasi ang bank ko is unionbank para sa payroll ko. Yesterday, may payments kasi ako tapos via gcash lang ang payment. Nung magsesend na ako via instapay, nag bigay ng confirmation message na transaction successful. Pero walang email akong natanggap about sa transaction. Nabawas yung pera ko tapos walang dumarating sa gcash ko. Yung number sa gcash ko nakasave na yun sa unionbank account ko. For almost 6 months din yun. Tinry ko i-contact ang support nila via app and via email. Walang nagreresponse. Hindi ko alam saan ako kukuha ngayon ng pera kasi dahil sa nangyari. Walang ka-response response ang UB in regards sa matter.