Thoughts on ginagawa mo lang naman yung work mo, pero marami paring gusto kang hilain pababa

Kakaregular ko lang sa work pero binago ng manager yung role ko. During meetings, he always let me join and sakin din pinapagawa yung paperworks instead doon sa document control namin. Then, wala akong reklamo sa lahat ng works either big or small, light or heavy altho heavy lahat ng pinapagawa. I always think na lahat ng ito is for my experience para in future, mas magaling na ako compared to my fellow.

Its like he always have me whenever there are big meetings together with his right hand man. Ang nangyayari kasi, parang lahat ng mga kaworkmate ko ay naging cold sakin bigla. Nawala na yung dating response namin. Di kaya naiinggit sila sa treatment ng manager sakin? Wala naman akong ginawa na nakakaabala sa work nila? In fact, I'm a type of a person na ginagawa lahat ng pinapagawa sakin ng supervisor/manager ko.

It makes me think na parang merong mali sakin? Kasi sinabihan ako ng isang kasama ko na ayaw daw nya sakin without valid reason. Do i need to change my work ethic? Di ko gets yung mindset nila.