This hearing should not have happened!
Opinion only! Dapat kasi pinatawag nila at kinuwestyon si Duterte tungkol sa WPS at yung gentleman agreement nya sa China. I'm against sa war on drugs especially killings pero sa totoo lang majority ng tao ay agree pa rin sa war on drugs. Kasi pakiramdam nila safe sila sa mga adik nung nakaraang administration.
Kaya ang nangyayari ngayon ay mas nakukuha yung simpatya ng taumbayan ng mga Duterte dahil pakiramdam nila pinagkakaisahan sila. Kaya nga malakas loob nila humarap ngayon kasi alam nila na papaboran sila ngayon ng tao. Pakiramdam ko nga mga Duterte at ang galamay niya rin dahilan kung bakit dumadami mga krimen ngayon para ipakita na walang ginagawa ang current administration. Nang sa ganun mas mapadali uli ang pagbalik nila sa gobyerno. Very wrong move itong nangyaring hearing. Di ko sinasabi na wag bigyan ng justice ang mga victim ng extra judicial killings, mas papabor lang ito sa mga Duterte unless makasuhan agad sila pero I doubt it.
Look during WPS at yung issue sa gentleman agreement. Diba tahimik ng mga Duterte nun. Kung siguro iyon ang usapin sa hearing baka di talaga sila sumipot. Nagawa na nga natin makuha ang simpatya ng taumbayan at mapaniwala na kasalanan ng Duterte kung bakit hinaharass tayo ng China. Na di ko alam bakit bigla na lang nawala yung issue tungkol dun. Ang confidential funds ni Sara , yung pagkampi nila sa kulto ni Quibuloy at yung nakaraan na mga binitawang salita ni Sara kay BBM. Pero dahil lang sa hearing na ito, mababalewala lang lahat iyon at magiging bida lang uli ang mga Duterte.
Sorry pero for me dapat itigil na nila itong hearing. Mas binibigyan lang nila ng chance na makuha ng Duterte ang loob ng taumbayan lalo na't malapit na election. Alam mo naman ang mga Pinoy ayaw na may ina-underdog at kinakawawa. Sinasabi ko delubyo mangyayari pag bumalik ang mga Duterte sa gobyerno. Look, tahimik yan si Senyora sa politics pero nakakuha ng tyempo ngayon at grinab. Sinasabi ko marami pa sila, unti-unti na silang bumabalik sa social media at gagawa ng storya dahil nga eleksyon na. Ganyan na ganyan nanalo ang uniteam sa nakaraang eleksyon. At yung ginawa nila Kay Leni, gagawin nila yan kay Risa.
Actually di ko alam about sa hearing na ito. Narinig ko na lang sa kapitbahay ko na matanda na nakaspeaker pa ng malakas kaya rinig sa kalsada. Then I realized majority ng mga matatanda ay maka-Duterte pa rin. And I'm telling you almost half of voters ay boomers pa rin. Very wrong move talaga! Ibalik nyo nga uli yung confidential funds ni Sara, baka kaya pa!
The latest news ay dumalo si Digong sa mga nasalanta ng bagyo. They grab the opportunity na makuha talaga ang simpatya ng taumbayan. Ganitong-ganito ang nangyari before presidential election 2016 at voila naging president nga si Digong. Aside from that ay yung funny humor nya na bentang benta pa rin sa tao. Kaya wag kayo magtataka kung makabalik talaga ang Duterte sa gobyerno at maging president pa si Inday.