feel ko sinasadya ng ibang lalamove riders ang “maligaw”

Nagbook ako ngayon sa lalamove. Tas otw na siya papunta samin, sige gets ko na if may sinabay siyang ibang orders. Okay lang naman sakin un. Ang problem ko lang ngayon is nasa loob na siya ng subdivision namin. I also gave him directions paano papunta sa bahay namin. As in sobrang dali lang, dire diretso lng tas liliko ka lang ng isang kanto andun na bahay namin. Nakikita ko sa map, liko siya ng liko kung saan saang kanto. Halos 30 mins siya nagiikot ikot, 2 times na din nag call, inexplain ko naman sakanya through call and also text din ang directions. and sinabi ko balik sya sa main street ng subd namin, sundan niya yung guide ng lalamove. Kasi kitang kita ko naman sa lalamove na tama naman yung directions, hindi ko lang maintindihan bat lumiko liko pa siya. eh nde naman siya pinapaliko dun ng lalamove? kaya tuloy re-route ng re-route ang nangyayare.

also, nde mahirap mag libot sa subdivision namin. marami kaming signs and malinaw din ang street names namin. diko magets kung bat lumiliko siya sa street na obviously hindi name ng street namin?? ilang beses na ako nagbook before and hindi naman sila hirap pumunta samin.

nachika ko toh sa mga friends ko, may mga same experiences daw sila. meron daw talaga ibang riders na sinasadya maligaw ligaw tapos maghihingi extra kasi daw nasayang daw gas nila.