di nagiissue ng payslip company namin

Di po nagi-issue ng payslip yung company namin, kaya di naman alam kung tama ba compute ng sahod every time. Kung tama ba mga bawas sa amin and such. Nagrequest na kami sa manager namin (siya nagp-process ng payroll since wala kaming hr department naman talaga) na bigyan kami ng payslip para di kami magtaka bat ganito lang sahod namin. Pero deadma lang siya and di padin nagi-issue. Meron po bang law na pede naming ipakita sa kanya? Kasi naiinis po siya sa amin pag paulit-ulit kaming nagrerequest eh.