ANG KATI SOBRA
Hi, so me and my boyfriend decided na mag live in na and sa bahay nya kami tumira. May 2 dogs kami na Chihuahua and PomSky ( Pomeranian na Husky ), nasanay siya na katabi ung aso nya na matulog but ung issue is SOBRANG DAMING GARAPATA. I love his dogs pramis pero sobrang dami as in, akala mo dust lang pero may garapata na parang tuldok lang tas makikita mo may PAA na. Then pag tiniris mo sobrang madugo! Ilang beses na kami nag lilinis ng kama and lagi namin pinaliliguan ung aso nya pero ang dami pa din. Gigising ka na nangangati hanggang sa di na kami makatulog. Dati apaka kinis ko pero nung dun ako nag stay sakanila puro na ako peklat. Iba’t ibang variant ung garapata nya, may parang tuldok tapos meron naman napakalaki talaga meron ung may paa na mabilis tumakbo. Tas pag gigising kami, lagi kami nagpapalit ng bedsheet kasi puro tae ung kama, pati sahig puro ihi. Nasanay aso nya na puro sa kama tumatae, literal na aakyat pa para tumae. Then, pag aalis kami nilolock nya ung aso sa kwarto so ang ending puro tae nanaman sa kama. Grabe di ko na alam gagawin ko, may mga times na gusto ko na talaga umuwi samin.