BORACAY EFFECT
Hi! Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. May jowa ako for almost 6 yrs na. Highschool lovers. Okay naman buong pagsasama namin. Never kaming nag karoon ng malalang away or nagkahiwalay. Until nagpunta syang boracay.
Last december, pumunta syang Visayas. Bibisitahin nya kasi mga kamag anak nya dun. Dun din sya nag pasko at new year. So eto na nga, nagyaya yung mga pinsan nya na mag boracay. Dec 28 sila pumunta ng boracay hanggang Jan 1. Buong stay nya sa boracay, di sya nagchat. First and last chat nya lang sa boracay ay nung nakarating na sila sa dun at sabi nya walang signal kaya di sya makakapagchat. Kaya naiintindihan ko na di sya makakapag update. Kaso nung umuwi sya dito samin sa bicol, dun ko napansin na parang iba sya.
Sobrang concious nya sa katawan nya. Sabi nya magpapapayat sya. Eh di naman sya mataba, malaki lang tyan nya kasi umiinom dati. Nagtatanong din sya sakin kung may chance pa ba na tumangkad sya. Di kasi katangkaran bf ko, 5'2 lang. Which is okay lang sakin kasi 5'1 ako. Plano nya din mag paputi. Mag gluta. At kung ano ano pa. Then nalaman ko, na nag bar pala sila ng mga pinsan nya. Gabi gabi pala sila nag bbar don. First time nya din makaexperience mag bar dahil wala namang ganon dito samin. Dun ako nag simulang mag overthink. Na bat sya nacconcious, eh okay naman sya. Di naman sya pangit. Alam kong di naman masama na iimprove ang sarili. Kaso simula kasi nung umuwi sya, yun nalang lagi nyang bukang bibig nya. Kahit na sinasabi kong okay naman sakin, kaso nagagalit pa sya sakin pag sinasabi kong walang mali sa kanya.
Ngayon, may balak syang mag work doon. Gusto ko syang pigilan kaso ayokong sabihin nya na pinipigilan ko future nya. Di ko na alam. Mag iisang buwan na kong nag ooverthink taeeeee.