Ang hirap mabuhay sa Pilipinas. Lalo na ngayon.

Parant lang po mga friends.

Ung mom ko nadiagnose na may Lung Cancer Stage 4A. Since nadiagnose sya last July 2024. Tatlong beses na syang naoospital due to Pneumonia. Sa Public Hospital kami sya inaadmit pero ang mahal mahal ng gastos. Dalawa lang kami ng ate ko tapos ako naman may kambal na babies.

Ngayon sa current nyang hospitalization, ubos na ubos na ang pera naming magkapatid. May parating pang mga chemo medication na hindi na namin alam ng ate ko kung saan namin kukunin. Lumalapit naman kami sa mga gov agencies kaso kulang na kulang pa rin talaga. Dito na sa ospital nag Pasko at New Year ung mom ko.

Lahat ng ipon namin naubos na. Gusto lang naman namin mabuhay nanay namin. Sobrang hirap. Napapaisip ako, ayokong danasin to ng dalawang anak ko pag tanda nila. Minsan naiisip ko, pag napagtapos ko sila ng College, sana kunin na ako ng panginoon nun para hindi nila to pagdaanan. Ang hirap mabuhay lalo na kung hindi ka mayaman...