Pag tinitignan ko yung asawa ko
Mag iisang taon na kaming kasal ng asawa ko. Pero never siya nagbago. Sobrang bait parin niya sakin. Lalo pa ngayon na buntis ako. Sa lahat ng kamalasan ko sa buhay dito ako sakanya sinwerte. Lagi niya inuuna yung kaligayahan ko kesa sa gusto niya. Lagi niya ako pinapatawa sa mga pabiro niyang yabang kasi tawang tawa ako pag nagyayabang siya sakin hahaha. Alam ko magiging mabuting tatay to sa anak namin. Kahit puro siya laro ng online games mauutusan mo siya pagkailangan ihihinto niya yun para sayo. Good provider pa. Kaya wish ko sana maabot niya lahat ng pangarap niya pa sa buhay. Mahal na mahal kita love. Salamat dumating ka sa buhay ko. Lahat ng problema ko kaya ko pag kasama kita. Thank you po Lord! Happy new year!!!! 🥳