Ang sakit maging close sa lolo na ayaw ng kanyang mga anak

Mag bibirthday sa dec 22 yung natitira kong lolo (75). Mangumbida sya na magcelebrate sa bahay na kinalakihan ng aking nanay, ninong, at 2 titas. 4 silang magkakapatid, lahat may trabaho, may asawa, at mga anak. Balak daw niya dito magcelebrate kasi nung buhay pa ang aming lola, laging buhay na buhay ang bahay dahil lagi may handa tuwing fiesta, birthday, o kahit dispedida.

Natuwa ako kasi bet ko din na mabuhay ang childhood home ng nanay ko. Dun din kasi ako nagspend ng time during my (21) younger years. Yung lolo at lola ko lasi yung dahilan din kung bakit ako nasa college ngayon. Kung hindi nila kami sinoportahan dati, di kami magkakaroon ng maayos na buhay ng kapatid ko. Masasabi ko talagang sobrang mapagbigay ng aking lolo at lola. Nga lang ito din ang naging dahilan kung bakit galit na galit ang mga anak ni lolo sa kanya.

Sa lola namin, walang galit ang mga anak. Turing namin sa kanya ay halos malapit na sa anghel. At talagang buong buhay niya ay inalay niya sa pamilya niya. From baon namin, to tuition namin, at kahit sa birthdays namin, sya lagi ang nashoulder.

Sa lolo naman namin, sya ang taong nagbibigay ng hanapbuhay. Galing siya dati sa pamilyang magsasaka tas dahil sa kanyang diskarte ay nakakuha ng trabaho na naging family business ng pamilya namin. Di rin naman sya nagdamot sa kanyang accomplishments at sinigurado niya na lahat ng kanyang 8 na kapatid ay may trabaho din. Kaya lahat ng magkakapatid at ang kanilang mga nabuong pamilya ay laging pinapasalamatan si lolo.

Pero sa aking nanay, ninong, at 2 tita, hindi gaano kaganda yung tingin nila kay lolo. Ang reason daw nila is simula pagkabata daw nila, lagi lagi nalang daw inuuna ang pamilya ng kanyang mga kapatid. Example, sa aking nanay, ninong, at 2 titas, need nilang bumili ng damit na masmalaki ng 3 sizes, para lang tumagal ang gamit, pero pag sa mga pamilya ng mga kapatid ng aking lolo, pag hihingi ng budget ay binibigyan daw agad. So in short, naramdaman nila nung bata sila na mas importante pa daw ang ibang pamilya kesa sa kanilang magkakapatid.

If we are talking about pag aaral sa magkakapatid, di naman nagkulang ang lolo at lola ko don. Pinapasok silang 4 sa private schools. At napapasok din nila ng college. Merong isang lawyer, 2 engineers, at isang computer science major. Binigyan din ng kotse ang bawat isa pagkagraduate.

Now back to the present. Since ayaw ng magkakapatid kay lolo, sinigurado nila na lahat sila may gagawin sa dec 22. Yung ninong ko dec 19 to 22 ay sinama ang pamilya sa japan. Yung tita ko na galing dubai ay sasakay ng palang eroplano to the ph mamayang 10 pm, and yung tita kong masbata ay di daw makakapunta at nasa manila pa daw siya. Thankfully di naman ganon kalaki ang galit ng nanay ko at kaming pamilya ay pupunta padin sa bday ng lolo ko.

Kausap ko kanina lolo ko, and nung narinig niya yung mga balita na yung 3 niyang anak ay di pupunta, nalungkot siya. Sabagay, ilang years na nga niyang di nacelebrate ang kamyang bday, ngayon balak na niyang magreunion ang buong pamilya gaya ng mga panahon na buhay pa ang lola ko, di daa niya magawa.

Bilang isang apo na mahal ang kanyang lolo, ansakit lang makita.