Never na ko magbibigay ng pasalubong
Nagmeet up kami ng cousins ko sa bahay ng isa. Since galing ako sa bakasyon, binilhan ko bawat isa (food at souvenir) at binigay ko yung pasalubong ko sa kanila.
Nagthank you naman yung iba. Pero hindi na nila napansin after at walang nakaalalang iuwi ung binigay ko sa kanila. Nung pinaalala ko sa kanila, sabi nila namamadali na sila umalis kasi anjan na yung grab. So inuwi ko nalang ulit.
As someone na hindi naturally thoughtful, it took me some guts and effort to buy pasalubong for people. Pero it was ignored. Nakakasama ng loob. Gusto ko na kalimutan ang nangyare. Pero hindi ko pa magawa sa ngayon. Never na ako magbibigay kanino man.