Nainggit ako sa normal na babae

Everytime na makakita ako ng post sa fb or makakita sa personal kung paano nila pakitunguan yung mga eagirl nila na kung gaano nila kamahal naiinggit ako.

Lumaki ako sa masayang pamilya pero di kasi sweet sakin papa ko dahil hindi siya sanay na clingy ako sakanya pero lahat binibigay niya sakin lahat ng hiniling ko sakanya.

Hindi kasi ako yung typical na babae na kailangan alalayan pagbaba ng jeep, or kailangan alalayan lag tumatawid at di mo kailangan buhatin yung bag ko, kaya ko mag pukpok, kaya ko magrepair ng mga bagay sa bahay, at kaya ko yung karamihan na ginagawa ng lalaki. Ganon ka strong yung personality ko at makikita mo yon saken.

Pero gusto ko din talaga bine-baby ako. Ayoko na ituring na malakas nakakapagod pala 🥺