Namura ko si Papa

Kanina tanghali, pag gising ko. Nagchat na naman ng sama ng loob si Mama sakin. Yung kabit (ng papa ko) at Papa ko. 3x a day daw sila kung magtawagan/video call sa bahay. (may asawa na po ako and di na po ako nakatira sa kanila) Pinabaranggay na yan ng Mama ko pero si Papa willing na daw sya dun sa kabit nya mag ipon lang daw ulit sya ng pera. So ayun, nakakagalit naman talaga kasi naawa ako kay Mama ko, tumawag na ako kay Papa gamit phone niya. Sabi ko: "Papa ang bastos mo naman, anjan ka sa bahay ninyo mag asawa, yung kabit mo parang legal wife din?" "bakit ganyan? Walang respeto" which is nasabi ko na yan last January na nag away kami dahil ayuko tumatawag tawag yung kabit. Tapos bigla syang nagsalita na, dapat okay na since napabaranggay na daw sya ni Mama etc. Bigla akong napamura: 'Tarntd* ka! Tngin ka, ang bastos ng ginagawa mo, buhay pa Mama ko!"Dun na sya nagalit tapos kung ano ano na naisumbat sakin, wala daw ako karapatan sa bahay. Hanggang sa binabaan ako ng call, tumawag ulit ako, sagutan kami. Tumigil ako ng pinatigil ako ng Mama ko. After ng galit ko, umiyak lang ako ng sobra, at nag pray ako. Nagsorry ako ng madami kay God sa nagawa ko, natakot ako na baka makarma ako sa pagmumura ko. (ikakakarma ko nga ba ito?) Naging bastos akong anak ngayon, pero matanda na yun Mama ko. Sobrang naawa lang ako dahil nasasaktan ako para sakanya. Ngayon gusto ko lang po malaman, ano po ba ang dapat gawin namin para di maibenta ng papa ko o masangla ang bahay namin. Yung Mama ko, gumagawa na sya ng moves sa kung ano ang mga pwedeng mangyari kung wala na sya. Ampon pala kami ng kapatid ko,wala kami legal papers, hindi naman ganun kataas ang interes na gusto namin sa bahay pero sympre yun bang nakapag ambag na kami kahit papano tapos baka mapunta lang sa kabit ng Papa ko.