found myself crying seeing my little brother outside @9pm

Napagalitan daw ni Mama kasi gusto lagi may bayad pag nauutusan. Upon hearing the story from my 2nd brother(I'm the eldest) pinalabas daw ng bahay kasi di mautusan, kanina pa daw umaga yon. Always na ganon yun si mama pag may nagawa kang di nya gusto papalayasin.

May nirrent ako na apartment and sometimes nauwi ako sa bahay lalo na pag rest day para tumambay and get together with friends na din don sa bahay na yon. Out of nowhere and dilim na ng kalsada nakita ko kapatid kong bunso naglalakas walang tsinelas man lang. Sinama ko sya pauwi and alam kong si mama na naman ang dahilan kung bat andon pa sya disoras na ng gabi. Pinapasok ko na sya sa loob and then nakita sya ni mama "OH BAT ANDITO KA? LUMAYAS KA, DUN KA SA LABAS". Napaiyak na lang ako habang sinasabihan si mama "Gabi na papalabasin mo pa yan?" Mama: "E hindi mautusan e" me:"Tigilan mo na gabing gabi ma oh".

Ewan ko lahat ng trauma ko ng pagkabata parang bumalik ansakit sa dibdib makita kapatid kong ganon. Anong oras na di pa nakain daw kung di ko pa lulutuan para pakainin. Naluluha na lang ako habang nakikita kong sumusubo ng pagkain kapatid ko e. Sorry sa trauma dump need ko lang mailabas to today.

(Living alone because ayoko sa bahay na yon)