MASAYA NA AKO SA WAKAS!
Narcissist ex
I had an ex-boyfriend for almost 9 years like since high school ako hanggang sa 2nd year college. During our relationship, sobrang fcked up mental health ko kasi pinaparamdam niya sa akin na parang trophy gf lang ako, na gf lang ako pag trip niya, na mahal niya lang ako pag convenient sa kanya. Kapag iinom sila ng tropa niya, lagi ako nagmamakaawa na mag-update naman siya sa akin kasi nakamotor lang siya. Siyempre mag-aalala ako eh which I think is normal lamg pero minamasama niya. Kapag nagtatanong ako kung nasaan na siya ganyan, hindi na niya ako zasagutin tapos darating na sa point na papatayan na ako ng phone. Ako naman si tanga, magpupuyat hanggang unaga hanggang sa mareceive ko na message nita. Initial reaction syempre magagalit ako, sino bang hindi magagalit na ganoon ang ginawa diba? Pero siyempre ayun nga manipulative sad boi siya, sita pa ang susuyuin ko kahit na siya ang may kasalanan. Marami pa as in!! Mayroon pa na kinokontrol niya pananamit ko na kesyo mas gusto raw niya na wala akong make-up, na dapat nakabalot ako (ano ako lumpia?), na wag ako lalapit kay ganito kay ganyan at sinasabihan ako na malandi kapag nakikipag usap ako sa guy friends ko. Sinasagot pa niya parents ko in a way na binabantaan sila na kakasuhan sila kapag sinaktan pa nila ako (di kasi kami legal kasi ayaw sa kanya ng parents ko kaya napagbubuhatan ako ng kamay ng mom ko). Eh ako naman si tanga, nagpapacontrol sa narcissist. Aware ako na minamanipulate niya na lang ako pero hindi ko maintindihan kung bakit mas gusto ko pa saktan o patayin sarili ko. Came to a point na nagkaroon na ako ng sucde attempts. Gumawa pa ako ng sucdal notes for my loved ones. Basta cycle na yung nangyayari, conclude na lang na narcissist siya hahaha di ko na ma-elaborate pa kasi grabe ang self-harm thoughts ko noon but thankfully nagkaroon ako ng lakas ng loob na iwan siya year 2020.
Hindi naging maganda break-up namin kasi walang official break up na nangyari. Around 2nd quarter of 2020 naging cold na siya sa akin. At dahil sa cold na nga siya, naglaro ako ng online games. Magmula noong maglaro ako, ginhost ko na siya. Pero eto, mukhang wala siyang pakialam na di ko na siya minemessage kasi parang pabor pa sa kanya lol.
So ayun nga, nagstart na ako maglaro, found some online friends, and then naging friend ko rin itong isang guy. Sobrang manly niya, tinatrashtalk niya ako in-game pero subtle lang unlike sa pantatrashtalk ng iba namin na friends. Ang mysterious niya, ang manly, ang gentleman. Fast forward to Nov. 2020, naging kami hahahahaha. Sino ba namang hindi mafo-fall sa lalaki na matured, sobrang kabaligtaran sa lahat ng mayroon ang ex ko. Actually hindi ko siya maikumpara na sa ex ko kasi wala sa kalingkingan niya. He's the best talaga. He respects me, my decisions, my choices. He never tolerated my wrongdoings. He even held my hand during my worst times. Diba nga ginhost ko ex ko? Ayun. Nalaman niya na may bago na ako. I understand and I know na I am at fault for not breaking up officially with him. Pero I believe din na deserve ko na sumaya at piliin ang sarili ko that time. Deserve ko makalaya. Nagalit siya, binantaan pa niya na mamamaril daw siya, na iisa isahin daw niya barilin friends ko and all. That moment, grabe yung takot ko. Pero I stood firm as in! Sinamahan ako nitong guy na nakatuluyan ko. Hindi niya ako iniwan at sinabi niya pa sa akin ang mga mali ko at talagang itinama niya ako. That moment, I found him. I found my soulmate, I finally found someone.
Eto, 3 years na kami at engaged na rin. Grabe respect niya sa parents ko, hindi siya pakitang tao. Talagang pinagmamalaki rin siya sa akin ng parents niya na mabuting anak nga itong fiance ko. Minsan nga nagmakaroon na ako ng anxiety na baka mamaya bigla siyang mawala sa akin juskooooo baka di ko kayanin. Sobrang saya na ng buhay ko with my fiance. Sana lahat ng may pinagdaanan or may pinagdaraanan na same sa napagdaanan konh toxic relationship ay mameet niyo rin yung someone na makakasama niyo til your last breathe.
Skl guysssssss thanks hahahah I'm so happy lang. Good nightssss.