Boring daw

Boring daw ako kasi 'di ako umiinom HAHAHAH. May nakachat ako sa omegle before, he asked if we can meet and mag-inuman since malapit cities namin.

I said I don't drink, tasted it before and meh. Didn't liked the taste and not my cup of beer (eme). Aba si kuya mo gigil. He said pano daw ako sasaya kung di iinom. 'Di daw ako masaya kasama kasi hindi marunong uminom??!

Before ko may type ng buo yung "Way mo lang ba para sumaya ay pakikipag-inuman? boring mo naman," he disconnected the chat. Booooo. Sana binilisan ko pagtype smh. 'Di man lang ako nakarebat hmp.

Medyo nagnilay-nilay din ako na baka nga need ko na matuto para makasabay pero hinde ehh. I have other activities na nakakapagsaya sakin and pwede naman magbonding sa ibang paraan.

Tf. Hindi ko naman siya nishame na wasalak sya eh. Siya ang panget kabonding. Up until now, it always pops out in my head tuwing may nagtatanong kung umiinom ba ako or nagaaya.

Iyo na yang gin bilog at red horse mong panbalaw.