Stranger asking for a hug

Habang nagtutuhog ako ng kwek kwek, may lalaking tumabi sakin. Napansin ko na parang hinihintay nya ako matapos kaya tumingin ako saknya. Kala ko magtatanong ng daan.

Sabi nya napadaan lang daw sya pauwi pero nakita nya daw ako, nagagandahan daw sya sakin. Loka naman to si accling. Nakafilm ba ako or izzaprank ba? Social experiment ba itu?? Ang awkward HAHAHA.

Nishare nya na malayo pa daw sya (ah sge koya). Then, nagask naman sya kung single pa daw ba ako. Sabi ko oo, pero pansin ko na mukha pa syang teenager kaya biro ko "uy matanda na ako ha 23 na ako, ayaw ko sa minor" (truth naman). He replied na 18 na daw sya pero I didn't believed it, he looks 16 at mas maliit sakin unti. Kaya umayaw pa din ako.

Ang mas kaloka, nagask sya ng hug out of nowhere. Di ko alam kung normal na ba ang hug ngayon sa di kakilala? May times naman naapproach ako pero bago pa lang ung manghihingi ng yakap mi. Or baka nasa rizz video ako or research participant na sa social experiment? 😵😵

Natatakot ako tanggihan baka mabash ako ng makakapanood sa yt, emz. Nahihiya din kasi ako baka mapahiya siya sa mga tao na nasa paligid. Pero ayaw ko tlaga ibigay kasi ang weird huhuhu. So, sabi ko high five na lang. Hesitant pa sya and still insisted na hug na lng, bakit daw ayaw ko. wtf. Sabi ko apir na lng hehhe.

So ayun, naghigh five kami. Then, nagpaalam na sya para umuwi. Yung lakad nya papaalis ay nakaharap pa din sakin, sinasabayan nya ng flying kiss sksjjsk.

Baka may napanood na kayong rizz video na ganyan ung story, inform nyo na lang ako pag viral na. 😭😭