Di ako marunong magbike

Kainis. Kainggit. Hindi ako marunong magbike umay beh. Imagine sa riverpark ng city namin may rentahan ng bikes, kahit gusto ko matry ung japbike baka umuwi lang ako puro gasgas at pasa.

So, ang ending magrerent kami ng friend ko ng bike na may sidecar heheh. Naaawa ata sakin. Salitan kami sa pagdrive at pagiging passenger princess.

Kung 'di lang sana ako pinagbawalan ng nanay ko nung bata pa ako. Sabi nya kasi mawawala daw puri ko amp, pag nagka-asawa na lang daw akoj.

Nagtry me patago, gamit bmx, pero di ko keri. Natry ko din sumakay ng mountain bike nung jhs ako. Nakasandal lang naman sa pader, pero taena kaunting out of balance ko lang, naano na puday ko huhu. Trauma na.

Masaya pa naman magbike sa mga park or magroadtrip. Pano na lang pag may zombie apocalypse huhu, 'di ako marunong magbike at motor. Sana paggising ko marunong na ako. T_T