Sinira ko yung TV on purpose
May kamag-anak kami sa bahay na araw-araw nanonood ng religious shit for 8 hours a day sa living room. Wala akong pake sa beliefs mo, pero kung wala ka na ngang ambag, nakakaperwisyo ka pa, di na pwede yun.
Una, ang lakas lakas ng volume. Second, ginawa niya nang fort, di na niya tinatanggal yung mga gamit niya don. Sa garden kami tumatanggap ng bisita dahil di talaga siya umaalis. Third at pinaka kinakabuwisit ko eh lumang TV yon na 200 watts, napakalakas sa kuryente.
Di siya mapakiusapan at di rin maasahan parents ko manita dahil hayaan na lang daw para walang gulo. Kaya naisip kong sirain na lang yung TV. Bigay lang naman yun samin at isa pa, napakapangit ng picture quality dahil luma na nga. Hassle buksan dahil ang daming screws at mahirap na walang makapansin. So, inisprayan ko ng salt solution lahat ng vents para mag-corrode yung parts sa loob. Inisip ko every night ko to gagawin hanggang di na mag-on, pero kinaumagahan lang, di na agad gumana.
Not sorry.