This is a bit disturbing. Sana hindi ito totoo.
So meron akong pinsan na 8 years old, lalaki, madaldal. Nagkaroon kami ng family reunion last few days. Narinig ko yung dalawang tita ko na nag-uusap at normal na tawanan at biruan lang nung una hanggang sa nagsalita yung batang pinsan ko.
"Ma, naalala mo yung umuupo ka sa t-t- ko?" What the hell ano yun?! Nagulat kami at sabi ng mama niya "Ano?! Nak wag ka magsabi ng ganyan bastos yan. Saan mo narinig yan?" Gulat na gulat yung facial expression nung mga nakarinig.
"Nakalimutan mo na?" tanong nung bata. Inexplain ni tita na baka narinig niya yun sa mga kalaro niya. Galit na galit at nagpapanic si tita. Baka daw kasi akala namin may ginagawa talaga siyang kabastusan sa anak niya. Pero 8 years old pa lang bat magsasabi siya ng ganun. Nakapagtataka lang kasi sa dinami dami ba naman ng biro bat yun pa? Mahinhin si tita at sobrang bait sa lahat kaya ayaw kong maniwala. Baka nga na may nagsabi sa bata na sabihin niya yun sa mama niya as a prank o kaya naman may nararamdaman na siyang early signs of arousal. Pwede rin na ang tinutukoy niya yung "kandong" na di pa niya alam na yun yung tawag.
Update: Medyo kinakabahan akong i-confront yung tita at pinsan ko. Nakamove-on na rin kasi lahat ng kamag-anak ako lang talaga yung hindi, very disturbed kasi ako. Nag-explain ako sa mama ko if there is something we can do about it para alamin kung bakit nasabi ng bata yun. Mas panganay kasi si mama at nirerespeto siya ni tita. Pero pilit ding sinasabi ni mama na joke lang yun at baka naadopt lang niya sa ibang bata. I understand kasi kapatid niya yun at alam niyang hindi magagawa ng kapatid niya yun. Ako pa nga ang na-judge na wag akong mangialam. 😥